Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang matagumpay na buhay paghahalaman ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) na nag-venture sa pagtatanim ng halaman, na namuhunan ng 50,000 at ngayon ay kumikita na ng six digit kada buwan.
Ang tampok po natin ay kapupulutan ninyo ng aral, inspirasyon at motibasyon sa buhay.
Ang aking tinutukoy ay si Mark Aries Camiguing, Chief Executive Officer (CEO) at Owner J & M Crops and Agricultural Tra-ding na makikita sa Blk 59 Lot 24A and 25A, Brgy. Chateau Real Homes, Montreal Rd, General Trias, Cavite.
Hindi na nagtrabaho sa ibang bansa si Mark sa halip ay sinubukan niya ang pagtatanim ng mga halaman na kanyang natutunan sa ibang bansa.
“Dati ay nagtatrabaho ako na malayo sa aking pamilya pero ngayon ay kapiling ko sila at kumikita ng doble sa aking kinikita noong ako ay OFW pa,” sabi ni Mark.
Ayon kay Mark, nagsimula lang siya sa P50K na puhunan na kanyang pinagpatayo ng green house at unti-unting pinalago.
Nagsilbing model garden ang green house ni Mark at ang kanyang magagandang tanim, kaya marami ang nagpatulong, nag-inquire nagpa-set up tulad ng kanyang hardin.
“Marami kasi sa ating mga kababayan ay “to see is to believe sila, kapag nakita nilang maganda ang iyong mga tanim at magandang ang iyong set up ay nais din nilang magkaroon ng ganun,” pahayag ni Mark.
Ani Mark, ipinagkatiwala niya sa Panginoon ang kanyang buhay lalo na ang kanyang paghahalaman.
“Ang tao ay to see is to believe pero ang Panginoon ay believe and you will see; maniwala ka at makikita mo,” sabi ni Mark.
Naniniwala si Mark na ginagabayan siya ng Panginoon sa kanyang adbokasiya at layunin na papalaganapin ang urban farming.
Modern at smart farming ang ginagawa ni Mark. Mayroon siyang aeroponic tower garden, vertical system ng hydroponics, aquaponics, kratky at NFT.
Nagka-conduct din ng libreng seminar si Mark, lalo na sa mga paaralan, malalaking organisasyon, NGO, LGU at iba pa na nais matuto ng smart farming.
Gumagawa rin si Mark ng kumpletong set up ng green house na lahat ng materyales ay maaari niyang i-supply.
“One Stop Shop po tayo rito sa amin kapag nagpa-set up kayo,” sabi pa ni Mark.
Naka-tie up din si Mark sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan lalo na ang kanyang pagbibigay ng free training at seminars.
Nakatanggap na ng iba’t ibang certificate o katibayan at parangal si Mark mula sa mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Education (DepEd), Department of Agriculture (DA), Agricultural Training Institire (ATI), Bureau of Plant and Industry (BPI), Local Goverment Unit (LGU) Non Governmental Organization (NGO) at iba pa.
Sa mga nagnanais mag-avail o bumili ng mga produkto ni ay i-text lamang po ninyo siya 0967-263-00-19.
Kung nais naman po ninyong makita ng personal ang model garden ni Mark ay sun-dan lamang po ninyo ang Google map: J&M Crops and Agricultural.
Sa FB naman po ay puwede ninyo siyang i-follow sa https://www.facebook.com/p/Hydroponics-Cavite-JM-Crops-and-Agricultural-Supplies-and-Services.
Ngayong Linggo, May 11, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Mark sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari din kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Chan-nel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.