November 16, 2025 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Nang magsaboy ng kamalasan ang langit, mukhang sinalo ng utol ko.
Bakit kamo? Aba’y nakapangasawa siya nang ubod ng tamad. To the highest level ang pagiging batugan!
Ang hindi ko mawari kung bakit nagtitiis ang utol ko sa mister niya. Mabuti na lamang at wala pa silang anak.
Pero ang nakakatawa at nakakainis na sitwasyon, ang ate ko na nga ang nagtatrabaho, pati ba naman ang sigarilyo at pag-inom nito ay inaasa pa sa kapatid ko.
Kapag hindi ako nakapagtimpi ay malapit ko nang sapakin ang bayaw ko.
Paano kaya magigising sa katotohanan ang utol ko?
Boying
Dear Boying,
Kahit sabihin na hindi tayo dapat makialam sa buhay asawa ng ate mo, mukhang kaila-ngan mong paalalahanan ang kapatid mo na mali ang ginagawa ng mister niya.
Subukan mong kausapin ang ate mo pero tiyakin mo lang na walang halong gatong ang iyong pagsasalita sa kanya.
Alalahanin mo, asawa niya ang pinatutung-kulan mo. At kung iisipin, para makapagsakripisyo siya para sa kanyang asawa, hindi maikakaila na mahal niya ito.
Pero dahil hindi naman masama ang intensiyon mo at naniniwala ako na udyok din ng pagmamahal at malasakit sa ate ang iyong gagawin, hindi naman din ‘yan mali.
Mahalaga ang ti-ming sa pakay mo at sana sikapin mo na kayo lang ng kapatid mo ang magkaka-rinigan.
Mahirap na kung ma-misinterpret ng iba at baka pagmulan pa ng pagtatampuhan o kaya’y mas malala—samaan ng loob.
Pilitin mong huwag mamagitan sa kanilang relasyon hanggang hindi humihingi ng tulong ang ate mo sa iyo.
Ang maganda ay nandiyan ka para suportahan ang kapatid mo.
Ano pa ba ang magagawa natin, kundi maghintay sa mga positibong pagbabago sa buhay nila.
Malaki rin ang magagawa kung lagi mong isama sa iyong taimtim na pagdarasal ang iyong kapatid para sa lalo pangkatatagan niya at mas malawak na pang-unawa sa kanyang mister.
Hilingin mo na rin sa Diyos na baguhin niya ang kalooban ang bayaw mo para makita niya ang situwasyon ng ate mo, at magsimula nang magbanat ng buto.
Dr. Love