UST wawalisin ang Ateneo | Pilipino Star Ngayon


Elech Dawa — Pilipino Star Ngayon

November 15, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Pakay ng host school University of Sto. Tomas na walisin ang Ateneo de Ma­nila University sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament sa Smart Ara­neta Coliseum.

Magkikita ang Growling Tigers at Blue Eagles nga­yong alas-4:30 ng hapon pagkatapos ng upakan ng league-leader National University at University of the East sa ala-1:30 ng hapon.

Sinakmal ng UST ang Ate­neo sa first round pero tiyak na mas magiging mahigpitan ang labanan sa second round.

Nakalsuhan ng Grow­ling Tigers ang kanilang four-game losing skid nang kalmutin ang 109-97 panalo kontra sa UE Red Warriors para sa No. 4 spot mula sa 6-5 baraha.

Ggaling din sa panalo ang Blue Eagles para sa ka­nilang 5-5 marka.