January 5, 2026 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa akong engineer, pero kahit sa edad kong 47 years old ay binata pa rin ako.
Bukod sa busy ako sa aking trabaho ay na-diagnose ako ng hyperspermia mula noong pandemic.
Ito ‘yung kondisyon na nagpoprodyus ng sobrang dami ng mga sperms ang lalaki.
Nahihirapan ako sa sitwasyon ko dahil sa sobrang bigat ng mga “itlog” ko dahil 4-11 beses na kailangan kong maglabas ng sperm sa maghapon.
Walang maipaliwanag ang doktor kung bakit ako nagkaroon ng ganitong sitwasyon. Madalas ay nagkakasugat na si manoy dahil nga sa pamamaga ng ari ko.
Nahihiya akong manligaw dahil tiyak naman na walang babae ang tatanggap sa kalagayan ko. Saka nahihiya akong sabihin ang kondisyon ko.
Wala rin masabi ang doktor, kung hanggang kailan ang ganitong kondisyon ko.
Ayaw ko naman i-donate ang aking binhi sa sperm bank dahil ayaw kong magkaroon ng anak na hindi ko makikita o makikilala.
Pangarap ko pa naman na magkaroon ng sarili kong anak. Baka tumandang binata na lang ako.
Dapat ko na bang kalimutan ang pangarap ko na magkaroon din ng sariling pamilya? May babae pa kayang magmamahal sa akin at maiintindihan ang sitwasyon ko.
Benny
Dear Benny,
Mahirap nga ang kalagayan mo sa buhay.
Kabaligtaran sa mga kalalakihan na sobrang baba naman ng sperm count kaya hindi sila magkaanak. Pero huwag ka pa rin mawalan ng pag-asa. Subukan mo pa rin manligaw sa babaeng iyong napupusuan. Kaibiganin at kila-lanin mo muna siyang mabuti.
Huwag kang matakot na ipagtapat ang iyong sitwasyon.
Dahil kung tala-gang gusto ka ng babae ay tiyak na mamahalin ka at tatanggapin niya ang kalagayan mo.
Huwag ka rin tumigil na maghanap ng second opinion upang malunasan ang iyong kondisyon. Habang may buhay ay mayroon din pag-asa.
Dahil sa iyong kalagayan ay malaki ang tsansang na baka magkaroon ka ng kambal o tiyak na mas maraming anak dahil sa iyong mayamang binhi na inilalabas sa maghapon.
Dr. Love