Tips sa mahabang buhay | Pilipino Star Ngayon


1. Maging maingat – Ang maingat na tao ay mahaba ang buhay, ayon sa report ng Terman life-Cycle Study. Ang ma­ingat ay isang kasanayan ng pagiging organisado at disiplinado sa iyong mga ginagawa. Ang maingat na tao ay maaaring mas alam ang kanilang pangangailangang pangkalusugan. Pinipili niya ang mas masustansiyang pagkain. Ipinakikita rin sa isang pag-aaral na ang mga batang hindi maingat ay namamatay ng maaga. Ang isang leksiyon ay turuan ang ating mga anak na alalahanin ang kanilang kalusugan.

2. Isipin na bata ka pa – Kapag inisip mo na ikaw ay matanda na, mararamdaman mo na ikaw nga ay matanda na. Ngunit kung iisipin na ika’y bata pa ay ang iyong katawan ay susunod. Panatilihin na ikaw ay bukas sa mga bagong hamon at oportunidad kahit na ano pa ang edad. Maging maalam sa mga balita. Pag-aralan ang mga bagong techno­logy sa halip na ito ay iwasan. Makisalamuha sa mga mas bata sa iyo para mahawahan ng kanilang lakas. Kumain ng sapat, huwag manigarilyo, at tumulong sa komunidad.

3. Panatilihin ang aktibong isip – Gamitin ang utak o kung hindi, ay manghihina ito. Samakatuwid, huwag agad na mag­retiro sa trabaho. Isaalang-alang ang pagbalik sa eskuwela kahit na may edad na. Patuloy na gawin ang gusto mong gawin. Sa isang pag-aaral sa Rush University Medical Center sa Chicago, ang mga taong patuloy na aktibo sa pagbabasa, pag-aaral at paglutas ng mga puzzle ay halos 50 percent ang bawas sa sakit ng Alzheimers.

4. Manatiling payat – Bukod sa pagiging sobra sa timbang ay malinaw na isang kadahilanan ng panganib sa pagtaba ay ang sakit sa puso, diabetes at arthritis. Ang isang pag-aaral noong 2006 ng National Institute of Health ay nagpa­kita na ang pagtaas ng timbang ay konektado sa mas maik­ling buhay. Kaya manatiling payat.