August 31, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Magtutungo si Vice President Sara Duterte sa Japan sa susunod na buwan para dumalo sa pagtitipon ng Filipino community.
Ito ang kinumpirma ng Bise Presidente sa isang panayam ng mga taga-suporta sa The Hague, Netherlands.
Ang pagbisita aniya sa Japan ay mula sa Setyembre 20 hanggang 21 at babalik naman sa The Hague sa Setyembre 23, 2025 kung kailan nakatakda ang pagdinig para sa confimation charges ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Yes, tuloy yung Japan. Na set na yun ng Filipino community”, pahayag pa ni VP Sara.
Matatandaan na nakikipagsalamuha sa mga OFW ang Bise Presidente sa iba’t ibang bansa nitong mga nagdaang buwan.
