Wowo, Wowa | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

November 30, 2025 | 12:00am

Milestone para sa pamilya ni Manny Pacquiao dahil lolo na ang ating Pambansang Kamao.

Yes, may apo na si Pacman. Nanganak last week sa Los Angeles ang partner ng panganay niyang anak na si Jimuel or Emmanuel Jr.

Babae ang apo ni Pacquiao. Carolina ang pa­ngalan ng partner ni Jimuel at sa malapitan, mukhang foreigner.

Isa ‘yan sa mga dahilan bakit nasa Amerika ngayon si Pacquiao at Jinkee. Natural, special moment dahil naging lolo at lola na sila for the first time.

Marami nang lumabas na pictures sa social media na hawak nila ang apo nila. Bakas ang ligaya sa mga mukha nila.

Ganyan naman ang kasabihan eh na kasing sarap ang feeling ng unang anak at unang apo.

Tiyak na magiging lolo’s at lola’s girl ang anak ni Jimuel.

Lalaban nga pala si Jimuel mamaya sa California. First professional fight niya matapos lumaban ng 11 fights as an amateur.

Si Brendan Lally ang kalaban ni Jimuel, isang 24-year-old na reacher mula Chicago na first time din lalaban as professional.

Ewan ko lang kung ano ang pipiliin ni Pacquiao – ang manood ng laban ni Jimuel sa ringside or mag-alaga na lang ng apo sa bahay.

Parehong masarap ‘yun.