2 LPA binabantayan; Habagat mananalasa hanggang Huwebes


MANILA, Philippines — May “medium” chance na maging bagyo ang dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.

Alas-3 ng hapon, namataan ang unang LPA sa layong 1,220 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.

Ang ikalawa naman ay naobserbahan sa silangan ng Calayan, Cagayan.

Samantala, patuloy na magbubuhos ng malakas na ulan hanggang Martes ng tanghali, Hulyo 22 ang southwest monsoon o habagat.

Makakaranas ng walang puknat na ulan ang Metro Manila at ­ilang lalawigan na may 100 hanggang 200 mm ng tubig-ulan hanggang sa Huwebes, Hulyo 24, dulot ng Habagat.

Nag-abiso rin ang PAGASA sa mga residente at local government units na paghandaan ang malalakas na pag-ulan mula Hulyo 21-24 na ang dami ng rainfall ay mas mataas partikular sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, bahagi ng Ilocos Region.