Pilipino Star Ngayon
November 22, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Sinungkit ni Junrey Dugaduga ang korona sa 3rd Miguel G. Belmonte Cup na ginanap sa Philippine STAR office sa Sucat, Parañaque noong Huwebes.
Sa katunayan tumapos ng tie for first sina Dugaduga at PhilStar veteran reporter Joey Villar matapos nilang irehistro ang tig- perfect five points, subalit nang ipatupad ang tiebreak score ay nahirang na kampeon ang una.
Kinalawit ni Dugaduga ang pangalawang titulo, siya rin ang nanalo sa second edition.
Para kay Villar, pangalawang second runner-up finish na rin niya, second placer din siya sa first inaugural edition na pinagwagian ni PSNgayon/PM sportswriter Elech Dawa nakaraang taon.
Mismong si STAR big boss Miguel G. Belmonte ang nagparangal sa mga nanalo.
Lumanding naman ang anak ni Belmonte na si Santi sa third overall, siya ang best intermediate player na nirehistro ang apat na puntos.
Nasaksihan din ni STAR chief finance officer Carlos Dizon ang pagtulak ng piyesa ng mga matitikas na wood pushers kung saan ay naghost rin ito ng two-game blitz duel sa pagitan nina Dugaduga at Villar, nagwagi ang huli, .5 — 1.5.
