4 suspek sa pagpatay, pagsunog sa magkaibigan, timbog


Cabanatuan City, Philippines — Natunton at inaresto ng Regional Police Office 3, Nueva Ecija at Isabela Police ang babaeng mastermind at tatlong kasabwat nitong suspek sa bayan ng Malig, Isabela nitong Miyerkules, Marso 11, kaugnay ng pagkakadiskubre sa nasunog na sasakyan may sakay na dalawang bangkay ng lalaki’t babae sa isang farm sa Barangay Sinasajan sa bayan ng Peñaranda, Nueva Ecija.

Nahuli umano ang apat na suspek sa Barangay Siempre Viva Sur sa bayan ng Mallig sa lalawigan ng Isa­bela, bandang ala-1:45 ng nitong Miyerkules, Marso 11.

Sa imbestigasyon, ang mga biktima na sina Michael Odchigue, 45, kawani ng City Disaster Risk Reduction (CDRRMO) Palayan City at Regine Espinosa, 34, residente ng Barangay Singalat, Palayan City, binaril sa batok at sinunog sakay ng pulang Toyota Wigo sa tapat ng Leong Hup Farm sa Barangay Sinisajan, Penaranda, Nueva Ecija nitong Lunes (Marso 9).

Pinaniniwalaan ang pagpatay sa negosyante at kaibigan nito ay may kinalaman sa pagbebenta ng gusali ng apartment ng una na nagkakahalaga ng P18 milyon.

Personal na alitan umano ang tinitignang motibo sa krimen ng pulisya ang anggulong may pagkakautang umano ang babaeng mastermind sa babaeng biktima dahil umano sa hinihinalang may kaugnayan ito sa pagkakautang o bentahan ng lupa.