November 25, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Apat na koponan ang mag-aagawan sa huling dalawang quarterfinals berth sa play-in games ng NCAA Season 101 men’s basketball tournament sa FilOil Centre sa San Juan City.
Maghaharap ang Jose Rizal University at Emilio Aguinaldo College sa Group B ngayong alas-2:30 ng hapon matapos ang bakbakan ng Lyceum of the Philippines University at San Sebastian College-Recoletos sa Group A sa alas-11 ng umaga.
Pare-parehong laglag sa kamalasan ang apat na tropa sa pagtatapos ng second round.
Ang mananaig sa laro ng Heavy Bombers at Generals ang lalaban sa Group A top seed Perpetual Help Altas sa quarterfinals habang ang mananalo sa pagitan ng Pirates at Stags ang sasagupa sa Group B No. 1 San Beda Red Lions.
Haharapin ng Blazers sa quarterfinals ang Group A No. 3 at nagdedepensang Mapua Cardinals at sasagupain ng Chiefs ang Group B No. 3 Letran Knights.