50 | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

October 5, 2025 | 12:00am

Today ang simula ng 50th season ng PBA.

Grabe, 50 years!

Kaya ang PBA ang first and oldest pro basketball league sa Asia. NBA lang ang mas nakatatanda dahil nung 1949 ito itinayo.

Garbo ang opening mamaya ng Philippine Cup sa Araneta Coliseum. Maraming bisita. Mga oldies na players, coaches at officials, welcome dumalo.

Then isa lang ang game. Manila Clasico. Ginebra vs Magnolia. Nung una, San Miguel sana ang first game dahil sila ang oldest existing franchise.

Pero nagbago ang isip ng PBA. Battle of coaches daw – si Tim Cone ng Ginebra at si LA Tenorio ng Magnolia.

Baptism of fire ni Tenorio. Ang first game niya as PBA coach, kalaban ang kanyang dating coach mula ‘nung Alaska days.

May isa pa na cele­brating ng 50 years this year – actually this month.

Ang “Thrilla in Manila” na heavyweight boxing shodown ni Muhammad Ali at Joe Frazier na ginanap nung Oct. 1, 1975 sa Araneta Coliseum.

Kung inabot mo pareho ang opening ng PBA at ang ‘Thrilla,’ isa lang ang ibig sabihin: Tanders ka na.

Kagaya ko.