55-pts ni SGA naglusot sa Thunder sa 2OTs


Pilipino Star Ngayon

October 25, 2025 | 12:00am

INDIANAPOLIS — Nagpasabog si Shai Gilgeous-Alexander ng career-high 55 points sa 141-135 dou­­ble overtime win ng nag­dedepensang Oklahoma City Thunder laban sa I­ndiana Pacers.

Nag-ambag si Ajay Mitchell ng career-best 26 points para sa Oklahoma City na tinakasan ang Houston Rockets sa overtime sa season opener.

Ito ang pang-limang pagkakataon na umiskor ang reigning MVP ng 50 points para tumabla kay Russell Westbrook bilang Thunder player.

Nagdagdag din si Gilgeous-Alexander ng walong rebounds at walong assists habang may 23 markers si Aaron Wiggins.

Bumanat si Bennedict Mathurin ng 36 points at 11 rebounds para sa Pa­cers bago na-foul out sa first overtime.

Sa San Francisco, bumira si Stephen Curry ng 42 points, kasama ang game-tying three-pointer sa dulo ng regulation, para igiya ang Golden State Warriors sa 137-131 overtime win sa Denver Nuggets.

Isang 12-2 atake ang inilunsad ng Warriors sa extra period tampok ang corner 3-pointer ni Al Horford at isang back-breaking basket ni Jimmy Butler para sa kanilang 133-127 abante  sa hu­ling 41 segundo.