Bibeth Orteza, 22 taon nang cancer-free


Twenty-two years nang cancer-free (of breast cancer) ang veteran writer, actress-comedienne at director na si Bibeth Orteza (Siguion-Reyna). She was diagnosed of stage 3-C breast cancer in 2004 and was operated on sa sumunod na taon.

At first, it came as a shock sa kanyang pamilya pero sa kalaunan ay hinayaan nilang mamuhay nang normal tulad ng dati nang wala pa siyang cancer. Ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos at naging daan din ito para maging close sila lalo ng kanyang pamilya.

When she was declared cancer-free, naging strong advocate siya sa mga katulad niyang dumanas ng breast cancer.

For 22 years ay active member at Board of Trustees siya ng iCanServe Foundation.

Kahit may pinagdaraanan noon si Bibeth ay hindi pa rin nawala sa kanya ang pagiging isang komedyana dahil ayaw niya rin ng malungkot na atmosphere where people are sympathetic to her.

Nung nabubuhay pa ang kanyang mother-in-law, ang industry icon na si Armida Siguion-Reyna, hindi umano ito makatingin sa kanyang mga mata nang diretso dahil ayaw nitong maiyak sa sitwasyon at pinagdaraanan noon ni Bibeth.

Since 2010 ay hindi na siya nagsusuot ng ternong sapatos at earrings, parating magkaiba ang kulay ng pair with the same style.

“I didn’t see cancer as a death sentence,” pahayag niya nang ito’y aming makapanayam sa aming online talk show, ang TicTALK with Aster Amoyo on YouTube kasama ang kanyang mister na si Direk Carlitos Siguion-Reyna at anak na si Rafa Siguion-Reyna.

“It’s just like getting a front row ticket to the first night of my wake,” dugtong pa niya.

“There is humor in tumor,” nakuha pa nitong magpatawa.

Ayon kay Bibeth, tuloy umano ang kanyang pagsusulat noon kahit may sakit na siya. Gusto niya na maging normal ang lahat sa loob ng kanilang pamamahay maging ang kanilang dalawang anak ni Direk Carlitos na sina Sarah at Rafa na pareho pang estudyante noon.

Maaalalang hindi sumipot sa kanilang kasal si Tita Midz (Armida Siguion-Reyna) na kilala noon sa pagiging istrikta at mataray, ginagawa niya ito hindi lamang sa ibang tao kundi laluna sa loob ng kanyang pamamahay but she was so loving, caring and generous.

Kahit noong hindi pa batas ang The Eddie Garcia Law, ipinatutupad na ni Tita Midz ang maiksing oras ng trabaho pero inaasahan niya na ang lahat ay maging professional sa kanilang work. 

Unang naging close si Bibeth kay Tita Midz nang kunin siyang writer ng iconic and award-winning musical show on TV, ang Aawitin Kita. Pero nagalit ito kay Bibeth at sa kanyang mister na ngayon na si Direk Carlitos nang ilihim nila sa kanya ang kanilang relasyon. 

Kaya nang ikasal ang dalawa ay hindi ito sinipot ni Tito Midz. Ipinagbubuntis na noon ni Bibeth ang kanilang panganay na si Sarah nang sila’y ikasal ni Direk Carlitos.  

Eventually, naging super close ang mag-mother-in-law, at mas madalas na magkasama ang dalawa laluna sa mga showbiz events na dinadaluhan ni Tita Midz na namatay noong Feb. 11, 2019 sa edad na 89.

At kung may pagkakahalintulad si Rafa sa kanyang parents ay pare-pareho sila ng industriyang ginagalawan.

Rafa was only six years old nang mapasama siya sa pelikulang Ikaw Pa Lang Ang Minahal na pinagbidahan nina Maricel Soriano at Richard Gomez, at pinamahalaan ni Direk Carlitos under Reyna Films na si Tita Midz mismo ang producer. 

Pero nang mga panahon na ‘yon ay wala pa umano roon ang kanyang puso. Kaya pagkatapos ng kanyang first movie bilang child actor ay nag-focus siya sa kanyang pag-aaral.

Siya’y nagtapos ng Communication Arts sa New York University in New York, USA.

It was only after college nang ma-realize niya na gusto pala niyang umarte tulad ng kanyang namayapang lola, his mom at ang kanyang actor-director father

Nagkasama sila sa horror movie na Posthouse kung saan mga pangunahing bituin sina Sid ­Lucero at Bea Binene.