Pinoy fans nakakatulong sa Gilas


Chris Co — Pilipino Star Ngayon

August 12, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Malaki ang papel ng mga Pinoy fans na nakatutulong nang husto sa Gilas Pilipinas upang ganahan ito sa kanilang bawat laban sa FIBA Asia Cup sa King Abdullah Sports City sa Jeddah, Saudi Arabia.

Ang Saudi ang may pi­nakamaraming Pilipino sa buong middle east countries na nasa mahigit 700,000 katao na halos lahat ay nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang malalaking kumpanya.

Kaya naman hindi na bago na dinudumog ng mga Pinoy fans ang mga events kung saan lumalaban ang isang Pinoy athlete — kabilang na ang Gilas Pilipinas na pinakapopular sa mga OFWs.

Manalo o matalo nay nanonood ang mga Pinoy fans upang suportahan ang Gilas Pilipinas.

Tila may home court advantage pa ang Gilas Pi­lipinas dahil kadalasan ay mas maraming PInoy na nasa venue.

Mismong si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na ang nagpatunay nito.

“I think that our crowd really elevates our game and they start playing well,” ani Cone matapos ang pa­nalo ng Gilas Pilipinas kontra sa Iraq, 66-57, sa huling araw ng group stage.

“It was a big win for us. We needed one to get under our belt and that rekindled our confidence,” ani Cone.

Kahit nasa ibang bansa, ramdam na ramdam ng Gilas Pilipinas ang pagmamahal ng Pinoy saan mang lupalop ito magtungo.

“It’s an amazing thing. We experienced that back home,” ani Cone.