Kim, naranasang maging taga-tulak ng cart sa US


SHOWBIZ NEWS NOW NA! — Boy Abunda — Pilipino Star Ngayon

August 13, 2025 | 12:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon ay aming naging panauhin si Kim delos Santos sa Fast Talk with Boy Abunda. Dalawampung taong nanirahan sa Amerika ang aktres at ngayon ay nagpasyang bumalik sa Pilipinas para magbakasyon lamang.

“Tito Boy, kasi stable na po ako sa Amerika. I have a good job na po dahil na rin po sa tulong n’yo at ng circle of friends ko. I’m now at point where I miss acting. I’ll be honest po, I really do. I miss it. Sabi ko, I just wanna give it one last try. And see things work out. And if it doesn’t, I have a stable job in the US po. I can always go back po,” bungad ni Kim.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling makatrabaho ng aktres ang mga nakasama noon sa mga programang nagawa. Matatandaang nagkatrabaho noon sina Kim, Polo Ravales at Dingdong Dantes.

“I wanna be back with the same people that I worked with before. Kung magkaroon ng project, parang reunion. Gusto ko pa rin po drama, I miss it, hindi na ako mahihiyang magkwento ‘no. I talked to Dong and Polo. Sabi ni Polo, ‘Dong has a new show. Sabihin mo, isali ka.’ Dingdong was asking me if it’s okay for me to come here. Sabi ko, ‘Yeah, I can always ask for changing my work to PRN as needed.’ So it’s one of the options that I’ve been thinking about. And Dingdong was like, ‘Sigurado ka ba?’ Kasi nami-miss, Tito Boy (ang pag-arte), it’s in your blood. It’s like you miss it,” giit niya.

Brokenhearted daw ang aktres nang lisanin ang Pilipinas mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas. Matatandaang kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Kim at Dino Guevarra noon.

Iba’t ibang trabaho ang naranasan ni Kim sa Amerika bago pa tuluyang naging isang registered nurse.

“Namura na ako ng isang pasyente ko. I was called a very derogative word. Kaya lang, Tito Boy, you know they’re sick. Intindihin mo na lang. Ba’t ka magagalit? ‘Yung first job ko I was a cashier. I was help, prepping food ‘yung mga yogurts in the bag. And then nag-coffee shop pa ako. So those were like three different positions. Tapos nagsa-stock pa ako ng office supplies like ‘yung tea, sugar, milk sa seven floors. Nagpu-push ng cart tapos pinupuno mo ng cups and all the stuff. The last part was mopping the floor. The first time I mopped the floor, I was crying like crazy. Sabi ko, ‘I’ve never done this in the Philippines.’ Tapos sabi ko, ‘Dino, ikaw ang may kasalanan nito eh,'» natatawang kwento ng aktres.

Mula nang magkahiwalay ay hindi na raw muli pang nagkausap sina Kim at Dino.

“We haven’t really spoken until today. There was a time I think nag-reach out siya. He did send an email, things like that. But after that wala na rin. It was like a simple, ‘Why did you leave?’ I think he just wanted to fix things. This is after I left, the first part. Tapos hindi naman ako nag-reply. Tapos one time he added me on Facebook, napatingin lang ako. No’ng time na ‘yon bitter pa ako. Hindi ko naman siya in-add, ‘Bakit ko ia-add ‘to? Hindi naman kami close.’

«But then after a while, naging close kami ng misis niya. She posted something on Facebook that made me think. Sabi niya, ‘Some people make mistakes but it doesn’t mean they’re bad person.’ At that point it just hit me, I think it’s time for me to talk. So I sent her message, ‘Karen, you know, whatever happened, it’s done.’ I’m okay kasi I was at peace, ‘yung sa aming dalawa ni Dino at that time, natanggap ko na.

«Then nag-start na akong mag-count ng blessings. Kasi kung hindi niya ginawa ‘yun, hindi ako makapag-school, hindi ako magiging nurse. Hindi ko makakasama ang daddy ko, pamilya ko. I met her, nagkita kami sa mall. Nakita ko rin si Antoinette (Taus). We have a picture together. And then when I was doing a charity event last year, nag-donate po siya. She helped me, no questions asked. Good person naman po siya,” pagdedetalye ni Kim.

Isang Pinoy rin na nakabase sa Amerika ang muntikan nang maging asawa ng aktres noon. Sa ngayon ay walong taon nang walang karelasyon si Kim.

“I had 11-year relationship, fiancé ko na po. We were supposed to get married. Between Dino and my fiancé, that was 18 years sa two guys. Tapos ‘di na ako nag-boyfriend no’ng nag-break kami ng fiancé ko. Nag-self healing muna ako. If it’s time, God will provide, darating ‘yan. Kasi kapag ako namili, baka mali na naman. Kapag it’s time sana last na, siya na ‘yan,» pagtatapat niya.

Sa bandang huli ng aming panayam ay nagbigay naman ng mensahe si Kim para kay Dino. “Salamat, hindi man maganda ang naging ending nating dalawa, pero ang dami kong natutunan. Sana maayos din ang buhay mo ngayon, and I hope you find peace,” pagtatapos ni Kim. — Reports from JCC