August 13, 2025 | 12:00am
Tinalo ng Gilas ang Saudi Arabia sa knockout game nila sa FIBA Asia Cup sa Jeddah para pumasok sa quarterfinals.
Ikalawang sunod na panalo matapos ang dikit na talo sa Chinese-Taipei at New Zealand at isang panalo kontra Iraq.
In short, humihinga pa.
Eto ngayon, mamayang 7 p.m. ang quarterfinals. And dahil No. 8 tayo, No. 1 and two-time defending champion ang kalaban natin.
Walang iba kundi Australia.
Natural, isa lang ang pumasok sa isip ko: ang masagwang rambulan sa Philippine Arena nung 2018.
Yes, dehins ko makakalimutan ang gabing ‘yun sa qualifying para sa FIBA World Cup.
Free-for-all at naging viral sa buong mundo ang away. Isa na siguro sa pinakamatinding rambulan in basketall history.
Para sa akin, blackeye sa Philippine basketball.
Hindi natapos ang game na ‘yun dahil sa away. Malaki ang lamang ng Australia sa third quarter nung pumutok ang bulkan.
Madaming ejected — siyam sa Gilas at si Gabe Norwood, Baser Amer at June Mar Fajardo lang ang natira. Isa-isang nag-foul out ang mga Pinoy, actually sinadya na, para itigil na ang game.
The rest is history.
Kaya mamaya, fist time ulit maghaharap ang Gilas at Australia. Peacefull game sana — win or lose.
Tutal, nasa neutral corner sila.