Gerald, tinularan si Coco | Pilipino Star Ngayon


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 14, 2025 | 12:00am

Magdidirek na rin si Gerald Anderson ng mismong pinagbibidahan niyang teleserye, Sins of the Father.

Mala-Coco Martin na nga ang actor.

Matapos ang halos dalawang dekada ng karanasan sa pag-arte, sa wakas ay nakikipagsapalaran na ang actor sa pagdidirek sa crime-thriller series ng ABS-CBN na ilang linggo na ring umeere.

Noong Martes ay nag-post ang JRB Creative Production na uupo nga ang actor sa director’s chair kung saan nagkaroon na sila ng pre-production meeting.

Dedma na siya sa mga kontrobersiya sa kanila ni Julia Barretto at ganundin ang intriga sa kanila ni Gigi de Lana na ikinakalat sa YouTube.