Aktres, malaki ang nagastos sa pumalpak na ilong


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 14, 2025 | 12:00am

Ginastusan diumano ng aktres ang pagpapagawa niya ng ilong.

Yup, hindi raw talaga ‘yun ex-deal, binayaran daw talaga ito ng aktres.

Ang siste, hindi maganda ang pagkakagawa, hindi natural ang dating. Alam mong niretoke.

At hindi raw mura ha, base sa kuwento ng isang kausap naming source.

Gulat nga ang source na pwede na raw sanang budget para magpagawa sa Bangkok or Korea na baka naging perfect pa ang ilong niya kung doon ipinaayos.

Ngayon ay sinasabi nilang lumiit ang butas ng isa nito at very unnatural!