August 17, 2025 | 12:00am
NAGING malaking kontrobersiya ang nangyari nang pinagtawanan ng komedyanteng si Vice Ganda ang sinapit ni dating President Rodrigo Duterte sa ginanap na concert.
Si Duterte ay kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crime against humanity mula pa Marso 11, 2025.
Naging tampok ang sitwasyon ni Duterte sa patawa ni Vice Ganda sa kanyang concert noong nakaraang linggo sa Araneta Coliseum.
May mga natuwa at hindi rin natuwa ng gabing iyon sa concert.
Heto lang ang dapat pag-isipan ni Vice Ganda, kahit ganoon siya kasikat may hangganan din ang kanyang mga patawa.
Lalo kung ang tinitira ay isang nahihirapang matanda. Sabi ng mga nakakatanda may kabayaran din ang mga panglalait na ginagawa sa kapwa.
Ilang ulit nang naipakita ng supporters ni Duterte ang kanilang pagmamahal at suporta sa matanda. Kaya nga talagang malalim ang pagmamahal ng mga taong ito sa dating Presidente.
Sana nalaman ni Vice Ganda na hindi si Duterte ang inaway niya noong concert kundi ang milyun-milyong pang nagmamahal sa ex-president.