ASAP sa England, hinihintay pang ma-sold out!


SHOWBIZ GANERN! — Gorgy Rula — Pilipino Star Ngayon

August 19, 2025 | 12:00am

Isang kaibigan namin na naka-base sa Birmingham, England ang nagpadala sa amin ng poster ng ASAP England sa August 30.

Malapit na iyun, pero ayon sa aming reliable source doon, hindi raw ganun kalakas ang bentahan ng tickets.          

Na posibleng magdagsaan kapag nandun na ang mga artista.

Pero nag-decide na ang promoter nito na babaan ang presyo ng tickets.

Medyo may kamahalan na nagkakahalaga ang tickets ng 49 pounds hanggang sa 189 pounds.

Star-studded pa naman ang naturang ASAP event na kung saan talagang binebenta nila roon ang grupong BINI.

Meron pa nga silang promo na gamit ang code ng Blooms ng BINI.

Hindi ko lang alam kung ano ang mechanics nito.

Pero sa isang poster nila ay binabaan na ang presyo ng ticket.

Ang pinamahal na diamond ticket na dating 189 pounds, ngayon ay 169 na lang. Pati ang ibang tickets ay bawas na rin ng 20 pounds.

Nasa store na pinagtrabahuan ng kaibigan namin ibinebenta ang ilang tickets, at hinihintay pa raw nilang ma-sold out ito.

Pero tingnan pa raw nila kapag malapit na ang event, baka doon na ito magkaubusan.

Hindi naman maitatanggi ang lakas ng grupong BINI dahil tumaas ang rating ng All-Out Sundays nang mag-guest sila sa naturang programa ng GMA 7 noong Linggo.

Kapansin-pansin na mas gustong panoorin ng mga tao ang musical o singing competition dahil mataas ang rating ng mga ito.

Nagtataka lang ako sa GMA 7 na kung saan ay malapit nang i-celebrate ng Bubble Gang ang kanilang 30th anniversary, nag-replay sila noong Linggo.

Samantala, consistent pa ring mataas ang rating ng Sang’gre at madalas at may pagkakataong natatalo ito ng Batang Quiapo.

Ang bongga rin ng Sanggang Dikit na ipinakita na ang mga eksena nila sa Europe noong Biyernes.

Ewan ko kung kaya nitong talunin pa ang action-drama nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Hindi pa kami sinagot ng dalawang programang ito kung totoong mage-extend sila.

 Ang dinig kasi namin ay may additional na 40 episodes ang Sang’gre. Ewan ko lang sa Sanggang Dikit na tuluy-tuloy pa naman ang taping nila.

Aktres, naadik na sa pagpaparetoke

Marami na ang nakapansin sa malaking nabago sa mukha ng maganda, morena, at seksing aktres.

Parang lalong gumanda raw, pero kapansin-pansin ang pagtaas ng noseline nito.

Nabago raw ba uli ang ilong ni magandang aktres?

May nagsabing, pinabago raw talaga bago siya lumabas sa isang malaking event.

Napabago na niya ito noon, pina-ulit ba uli?

Parang ganun na nga ang nangyari. Halatang may pinabago sa ilong.

May pinaghahandaan daw kaya siyang malaking project? Kasi lalo siyang sumeksi, pero lalong tumangos ang ilong. Sana tama na raw iyun.

Nakakaadik nga yata talaga ang magparetoke!