Sotto sumalang na sa workout


Chris Co — Pilipino Star Ngayon

August 21, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Sinimulan na ni Kai Sotto ang magagaan na workout upang unti-unting makabalik sa kundisyon.

Sa isang video sa social media, nakitang nagsasagawa ang 7-foot-3 Pinoy cager ng shooting — isang magandang senyales na nakakarekober na ito ilang buwan matapos ang kanyang operasyon.

Matatandaang sumailalim sa operasyon si Sotto matapos magtamo ng ACL injury habang naglalaro ito para sa Koshigaya Alphas sa Japan B.League.

Inaasahang makaba­balik na sa paglalaro si Sotto sa unang bahagi ng susunod na taon kasama ang Alphas sa Japan B.League.

Bukod pa rito ang pag­lalaro ni Sotto sa FIBA World Cup Qualifiers kung saan kailangan na kaila­ngan ang serbisyo nito.

Hindi nasilayan sa aksyon si Sotto sa katatapos na FIBA Asia Cup na ginanap sa Jeddah, Saudi Arabia kung saan nagtapos lamang ang Gilas Pilipinas sa ikapitong puwesto.

Nakatakda pang sumabak ang Gilas Pilipinas sa first window ng FIBA World Cup Qualifiers sa Nobyembre kasama ang powerhouse teams na New Zealand at reigning FIBA Asia Cup champion Australia gayundin ang Guam.

Sa kanyang huling pag­lalaro sa Japan B.League nagtala si Sotto ng impresibong averages na 13.8 points, 9.6 rebounds, 2.0 steals at 1.3 blocks.

Sa pagbabalik nito sa Gilas Pilipinas, inaabangan na ang team-up nito kina AJ Edu at bagong recruit Quentin Millora-Brown na nabigyan na ng go-signal ng FIBA para makapaglaro bilang local player.

Kinumpirma si Gilas head coach Tim Cone na isasama sa lineup si Mil­lora-Brown para maging ka­­halili ni Sotto habang nagpapagaling pa ito.