Nitura babandera sa Adamson sa SSL Cebu Leg


Pilipino Star Ngayon

August 22, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Sasagupain ng Adamson University ang University of San Carlos sa pagpalo ng 2025 Shakey’s Super League (SSL) National Invitationals Cebu Leg dito sa Mandaue Sports Complex.

Magtutuos ang Lady Falcons at Lady Warriors, ang reigning Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. (Cesafi) champions, nga­yong alas-7 ng gabi.

“Lagi kong sinasabi sa team na huwag magpa­kampante. Alam naman natin na lahat kami rito gus­tong talunin ang mga makakalaban. Siyempre hometown din nila. We expect na magkakaroon kami ng magandang laban,” ani Adamson coach JP Yude sa USC.

Papagitna si Alas Pilipinas member Shaina Nitura para sa Lady Falcons na sumegunda sa 2023 edition ng torneong itinataguyod ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.

Hangad naman ng Lady Warriors na ma­ka­sampa sa win column matapos malasin noong nakaraang taon.

Sa unang laro sa alas-5 ng hapon ay makakatapat ng first-time participant A­teneo ang University of S­outhern Philippines Foundation.

Hangad ng Lady Panthers na makapasok sa semifinals matapos kumulapso sa quarterfina­list noong 2024 edition ng torneong suportado ng Asics, Mikasa, Smart Sports, F2 Logistics, Team Rebel Sports, Belo Deo, SM Tickets at PusoP.com bilang technical partners.