PLDT pipigilan ng Cignal | Pilipino Star Ngayon


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

August 23, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Kokonekta ang PLDT sa ikalawang sunod na rat­sada, habang paparada ang guest team Kobe Shinwa University sa 2025 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence.

Haharapin ng High Speed Hitters, ang PVL on Tour champion, ang sister team Cignal HD Spi­kers nga­yong alas-4 ng ha­pon sa PhilSports Arena sa Pa­sig City.

Sa ala-1:30 ng hapon sasalang ang Kobe Shinwa katapat ang ZUS Coffee Thunderbelles, habang mag­haharap sa alas-6:30 ng gabi ang Creamline Cool Smashers at Chery Tiggo Crossovers.

Hinataw ng PLDT ang Chery Tiggo, 25-16, 25-14, 25-20, sa pagbubukas ng In­vitationals noong Huwe­bes.

Sa kabuuan ay target ng High Speed Hitters ang ika-10 dikit na arangkada simula sa PVL on Tour la­ban sa HD Spikes na na­­kalasap ng 25-22, 17-25, 25-22, 11-25, 8-15 pagka­ta­lo sa Cool Smashers.

Inaasahang maglalaro sa Cignal sina Alas Pi­lipinas members Vanie Gandler at Dawn Macandili.

Kagaya ng PLDT ay pun­tirya rin ng Creamline ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Chery Tiggo.

Muling tinalo ng Cool Smashers ang HD Spi­kers, habang yumukod ang Crossovers sa High Speed Hitters sa kani-kanilang re­­match.

Samantala, maghaha­nap ng bagong coach ang Galeries Tower matapos bitawan si Lerma Giron.