August 24, 2025 | 12:00am
Two months ago, ginulat tayo ng balitang namatay si Ashlyn Nabong, isang 18-year-old member ng Gilas women’s team matapos siya mag-collapse sa practice.
Then this week, isa na namang batang player ang namatay. Ganun rin ang nangyari.
Siya si Israel Osamudiame, isang Nigerian foreign student na maglalaro sana sa UP Maroons sa UAAP this season. Galing siya sa CEU bago lumipat sa UP.
Sa practice nangyari. Nag-collapse, sinugod sa ospital at doon namatay sa edad na 19. Kailan lang, namatay rin ang former Letran player na si Jimly Lantaya, 24, dahil sa heart complications.
Mapapaisip ka bakit ito nangyayari sa mga batang athletes na dapat ay nasa peak ng kanilang physical condition.
Nung 2023, isang football player ng Colegio San Agustin dito sa atin ang namatay after mag-collapse sa edad na 14 years old. Same year, isa ring football player ng UP ang nag-collapse habang naglalakad sa campus. Namatay sa edad na 22.
I’m sure meron pang iba na hindi na lang napabalita.
But again, maraming katanungan.
Bakit ito nangyayari at paano ito maiiwasan? Kulang ba sa adequate health protocols ang mga schools? Kailangan ba ng mas mahigpit na physical exams para sa mga student athletes? Or kailangan natin ng mga modern health safety equipment sa lahat ng practice at game venues?
Naalala ko tuloy ang nangyari kay Samboy Lim na hinimatay sa isang game nung 2014 at never na naka-recover hanggang sa kanyang pagpanaw nung 2023.
Ganyan din si Bong Tan or Lucio Tan Jr. Inatake sa isang basketball game at agad namatay.
Kailangan siguro buhayin ang Samboy Lim Law na ipinatupad nung 2016 at hangad na bigyan ng basic education ang mga kabataan sa basic life support (BLS) or cardiopulmonary resuscitation (CPR) or mga life-saving measures.
Otherwise, walang saysay ang lahat.