Pamilya nina Aljur at Kylie, nabuo sa circus


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 25, 2025 | 12:00am

Nabuo ang pamilya nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla kasama ang dalawang anak nilang sina Alas at Axl. Nagsama-sama nga silang nanood ng circus show.

At pinasalamatan ni Kylie ang ex sa pagsama sa kanilang mag-iina.

“So much fun. Thank you @ajabrenica for coming with us. Bumalik kami sa pagkabata! You guys were amazing!” sabi ng Kapuso actress na diumano’y pla­ying sweet music ngayon kay Jak Roberto na nag-umpisa sa kanilang serye sa GMA 7.

Maraming natuwa dahil circus lang daw pala ang magpapabuo ulit ng kanilang pamilya.

May kanya-kanyang buhay na ang dating mag-asawa.

Sa ngayon ay pareho na silang masaya sa kani-kanilang buhay.

Si Aljur ay matatag ang relasyon kay AJ Raval na diumano’y kumpirmadong may dalawang anak na sa dating sexy star.

Maaalalang sina Aljur at Kylie ay ikinasal noong 2018 pero naghiwalay noong 2021 na hindi nagtagal ay naging maayos ang setup ng co-parenting nila.