August 26, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagkakapanalo ni Alex Eala sa first round ng US Open na ginaganap sa Flushing Meadows, New York.
Gumawa ng kasaysayan si Eala bilang kauna-unahang Filipino na nanalo sa Grand Slam event nang talunin ang world No. 14 na si Clara Tauson ng Denmark.
Sa social media page ni Marcos sinabi nito na nagsisimula pa lamang si Eala at kasama niya ang buong Pilipinas sa bawat laban nito.
Sama-sama rin aniya ang mga Pilipino sa buong mundo na isinisigaw kung gaano kagaling ang mga Pilipino.
“She’s only getting started! Congratulations, @alex.eala! Kasama mo ang buong Pilipinas sa bawat laban mo. Sama-sama naming isisigaw sa mundo ang galing ng Pilipino!” pahayag ni Pangulong Marcos.
