Knowledge Channel, mas pinasaya ang Kinder Yes!


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

September 1, 2025 | 12:00am

Isang malaking “Yes!” sa masaya at makulay na pagkatuto ang hatid ng Knowledge Channel sa inilunsad nitong bagong educational series na Kinder Yes! para sa mga chikiting na nasa kindergarten.

Katuwang ang National Council for Children’s Television (NCCT), handog ng nasabing series ang makwe­lang awitan at sayawan para matulungan na makapagbasa at makapagbilang ang mga chikiting.

Una nang ipinalabas ang episode na Mga Tunog sa Paligid tampok ang mga tunog sa paligid, alpabetong Pilipino, at mga hugis at sukat.

Bida rin sa iba pang episodes ang usapin tungkol sa paghahanda sa mga sakuna tulad ng bagyo, baha, at lindol at saka ang praktikal na paggasta ng pera.

Napapanood ang Kinder Yes! tuwing Lunes hanggang Biyernes, 6:20 a.m. at may replay tuwing 6:20 p.m. sa Knowledge Channel.

Available rin ito sa SKYcable (Metro Manila Ch. 5; Provincial Ch. 203), Cablelink (Metro Manila Ch. 4), PCTA Affiliated Cable Operators, Cignal Ch. 146, GSAT Ch. 3, Satlite Ch. 182, DTT via BEAM 31.3, at online sa iWant.

Para sa iba pang updates patungkol sa KCFI at sa mga adhikain nito, bisitahin ang official website nitong www.knowledgechannel.org o i-follow ang @knowledgechannel sa Facebook, @kchonline sa X pati @knowledgechannelofficial sa TikTok.