James, napi-pressure kay Kathryn | Pilipino Star Ngayon


SHOWBIZ NEWS NOW NA! — Boy Abunda — Pilipino Star Ngayon

September 3, 2025 | 12:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakatambal sa isang proyekto sina Kathryn Bernardo at James Reid. Magbabalik na sa paggawa ng serye ang aktor pagkalipas ng pitong taon.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ngayon ni James dahil sa bago nilang tambalan ni Kathryn.

“I’m very excited and very blessed. Grabe ‘yung support and it hasn’t even started shooting yet. So, I’m very grateful. And I can’t wait to work with Kath, very excited. Yeah! It’s something new and exciting. It’s something we’re going to work out along the way. It’s my first time working with another leading lady. So, I’m trying to just give it my best, give it my all, and then see what happens. Hope for the best,” nakangiting  bungad ni James sa ABS-CBN News.

Matatandaang nakatapat noon ng tambalan nina James at Nadine Lustre ang tambalan nina Kathryn at Daniel Padilla. Pumatok nang husto sa mga tagahanga ang bawat proyektong nagawa ng JaDine at KathNiel.

Ayon kay James ay pinangarap din niyang makatambal si Kathryn. “Actually, it’s something that I’ve wanted to do for a while. So, I’m very grateful I get to work with Kathryn. She’s extremely talented. So, it should be great,” pagtatapat ng aktor.

Magsisimula na ang taping nina James at Kathryn ngayong buwan para sa bagong proyekto.

Posibleng manibago ang aktor sa paggawa ng serye kaya aminadong nakararamdam ng pressure. “It’s very new again. I’m still getting used to it. There’s always pressure, but pressure is good. It means people have high expectations. It means everyone’s very excited,” pagtatapos ng binata.

Lani, ’di naisip na magtatagal ang career

Apat na dekada nang aktibo si Lani Misalucha sa music industry. Hindi raw inakala ng nakilalang Asia’s Nightingale na magtatagal sa industriyang ginagalawan niya ngayon.

“Hindi ko talaga na-imagine na mararating ko ito. I just thought that I was just going to be a homemaker. Hindi ko tatalaga na-imagine na mararating ko ito. Hindi ko akalain na magiging ganito because hindi ako mapaghangad,” pahayag sa amin ni Lani sa Fast Talk with Boy Abunda.

Isa si Lani sa mga pinakasikat na singer sa kanyang henerasyon sa Pilipinas at maging sa ilang panig ng mundo. Ayon sa singer ay talagang ginagawa niya ang lahat ng makakaya sa bawat trabaho na kanyang ginagawa.

“’Yung mga time na ‘yon na marami ko na silang nakakasama. Nakaka-perform ko sila, you know, I was just slowly taking it in, na parang ‘Wow! It is real. It is really happening.’ And bawat talaga na mga performance ko whether it’s small one, small scale, or a major one. Lahat ‘yon pinasasalamatan ko,” giit niya.

Kamakailan ay ginanap ang Still Lani anniversary concert ng singer. Lubos ang pasasalamat ni Lani sa lahat ng mga sumuporta sa naturang proyekto. “Maraming-maraming salamat at dumalo po kayo. Sa lahat po ng taong involved, hindi po biro na mag-concert ngayon. Siyempre it will involve a lot of things. Money, effort, energy, talent and all that. I’m very grateful to each one of you. Sa lahat po ng nagtrabaho para sa concert na ito at siyempre po lahat kayo na nanood at bumili ng ticket at nagpunta. Maraming, maraming salamat po,” pagtatapos ng Asia’s Nightingale. — Reports from JCC