September 5, 2025 | 12:00am
Buhay na buhay pa si Kris Aquino.
Ayaw tumigil ang usap-usapan na pumanaw na siya.
Pero itinanggi ng malapit na kaibigan ni Kris, si Dindo Balares, ang kumakalat na balitang na binawian na siya ng buhay.
Ayon sa kuwento ni Dindo, ang dami raw talagang tumatawag sa kanya at nagtatanong kung totoong wala na si Kris.
Kaya naman agad daw niyang tinawagan ang dating multimedia queen at nagkontakan sila sa pamamagitan ng messaging app.
“She’s really alive!” ayon sa post ng dati ring entertainment editor ng isang tabloid.
Pero sinabi sa kanya ni Kris na crazy ang kanyang blood pressure.
“My WBC (white blood cells) dropped. Waiting for my doctors to explain,” sabi ni Kris.
“My BP NOW. Scary. When I reached 172/112 — I told Alvin to call St. Luke’s for an ambulance,” sabi pa raw ni Kris sa kanya.
Pero ayaw niya raw mag-worry ang kanyang pamilya.
“They checked if i had more blood clots. The good news- the blood clot that required for the surgery, thank you for the prayers, has shrunk significantly,” sabi ni Kris kay Dindo.
Hanggang nakatulog na raw sila sa pagkukuwentuhan.
Wala naman aniyang dapat ipag-alala dahil lumalaban talaga si Kris na lagi naman niyang sinasabi sa kanyang mga post.
