September 6, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Bumilis ang inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin nitong Agosto.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mula 0.9% noong Hulyo, bumilis sa 1.5% ang inflation rate ng bansa nitong Agosto.
Ipinaliwanag ng PSA na bunsod ito ng pagsirit ng presyo ng pagkain dulot ng mga nagdaang sama ng panahon.
“Ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Agosto 2025 kaysa noong Hulyo 2025 ay ang pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages,” sabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa.
Partikular na tinukoy naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagmahal ng presyo ng gulay at karne, na nagpalobo ng inflation sakabila nang pagbibenta ng ?20/kg na bigas.
“These could be partially offset by the continued decline in rice prices and lower meat costs,” ayon sa BSP.