Junior Altas asam ang back-to-back


Pilipino Star Ngayon

September 9, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng University of Perpetual Help System DALTA ang back-to-back titles ng NCAA Season 101 juniors’ bas­ket­ball tournament na magbubukas sa Oktubre 1 sa Smart Araneta Coliseum.

Doble-kayod si coach Joph Cleopas kasama ang kanyang coaching staff sa training ng Junior Altas bi­lang paghahanda sa opening game katapat ang San Sebastian Staglets sa Oktubre 3 sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Tuluy-tuloy ang practice at tune up games ng Junior Altas na nakamit ang kanilang kauna-unahang NCAA crown simula noong 1985.

Ang mga holdovers ng champion team ay sina Louie Rosales, Kurt Velasquez, Lance Nitura, Jim Corpuz, Keanne Zanoria, Ezekiel Zamoras, Hanz Candido and Kurt Pata­ling­hug.

Gagamitin sa NCAA Season 101 ang Group A at B format kung saan magkakasama sa Group A ang Mapua, Perpetual, Lyceum, San Sebastian at Arellano, habang nasa Group B ang Letran, San Beda, LSGH, Emilio Aguinaldo College at Jose Rizal University.