Alas bagong sports heroes | Pilipino Star Ngayon


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

September 20, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines —  Pilipinas bilang ba­gong ‘sports heroes’ ng bansa.

Ito ay matapos ang ma­kasaysayang panalo sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship at mun­tikan nang pagsampa sa Round of 16.

“This is much more than we expected. But all things considered, it’s no big surprise. We put our faith in these guys to deli­ver, and they did,” ani Suza­ra sa mga Pinoy spikers. “They’re the new sports he­­roes of the country.”

Kinapos ang World No. 82 Alas Pilipinas sa World No. 14 Iran, 25-21, 21-25, 25-17, 23-25, 20-22, sa ka­nilang agawan sa tiket sa knockout stage ng 32-team world championship.

Nauna nang gumawa ng kasaysayan ang tro­pa nina Bryan Bagunas, Marck Espejo at Leo Or­di­ales matapos ang 29-27, 23=25, 25-21, 25-21 paggulat sa World No. 23 Egypt.

Hinamon ni Suzara ang Alas Pilipinas na maging inspirasyon ng kabataan.

“Elevate the sport locally through mentorship… set an example for younger athletes with discipline, teamwork, and resilience,” ani Suzara.

Samantala, hahataw ang Round of 16 tampok ang laban ng World No. 1 Poland at Canada ngayong alas-8 ng gabi matapos ang duwelo ng Turkiye at Ne­therlands sa alas-3:30 ng hapon.

Bukas ng alas-3:30 ng hapon magtatapat ang Argentina at Italy kasunod ang upakan ng Belgium at Finland sa alas-8 ng gabi.