Mananambal, P700k ang kinita sa first day


JUST ASKING — Leon Guerrero — Pilipino Star Ngayon

February 21, 2025 | 12:00am

Paano ba yan naka 700k lang ang first day ng Mananambal ni Ate Guy (Nora Aunor) sa kabila ng pagiging masigasig ni Bianca Umali at iba pa sa pagpo-promote nito?

Paano naman magsu-survive ang film industry natin sa ganitong box office returns?

Ngayon, napatunayan ba na tama rin ang Festival Selection Committee sa hindi nito pagkakapili sa official roster nito?

Kathryn at Donny, magiging hurado?!

Totoo ba itong bagong roster ng Pilipinas Got Talent judges na sina Freddie Garcia, Eugene Domingo, Donny Pangilinan and Kathryn Bernardo?

Exciting ito kung nagkataon! Panibagong mukha at fresh talents! Hindi naman tayo nawawalan ng ganyan bilang mga Pinoy. Sana lang hindi ‘yung mga recycled contestants na lahat na lang ay sinalihan ‘di ba?

At sana mahalughog talaga ‘yung clout ng ABS na buong sulok ng mundo!

Pia, bibigyan ng major break ng GMA

Isa ring pinapahulaan bilang Anghel ng Sining na magiging powerful voice – si Pia Arcange nga ba ‘yan ng GMA 7?

Dapat lang na mabigyan ng magandang break si Pia dahil simpleng ma­galing siya talaga! Pero sana hindi na ‘yung Surprise Guest na podcast niya para napaghahandaan naman niya nang maigi ang mga interview niya dahil kilala si Pia bilang magaling na debater since noong estudyante pa siya!

Basta good break ito kay Pia kung nagkataon!

Senatoriable, interesadong kaladkarin sa kampanya ang isang aktor

Totoo bang type raw ng isa senatoriable ang isang aktor para sumama sa kampanya n’yo.

Medyo closet case itong senatoriable at pihadong guardyado na siya sa asawa’t anak ni aktor!

Nasa news kasi si aktor at siguro’y nakita niya ang malaking panghatak ito sa gagawing kampanya ni Sir na ‘di masyadong nakakaangat sa mga survey ranking. Paano na kaya?

Nakakataquote: Hidilyn at Caloy, magkaiba ang tingin sa pamilya

Halos magkasunod ang birthday ngayong Pebrero ng ating mga Olympic Gold Medalists na may magkaibang posts at pahayag tungkol sa pamilya:

“Wala ako kung hindi dahil sa pamilya ko!!! Salamat po Papang at Mamang!!! Mahal na mahal ko po kayo at ang ating pamilya.”

– Hidilyn Diaz

“Why would you invite people to your birthday when they don’t even bother making an effort to greet and celebrate you, kung gusto mo yung mga ganong bisita sa birthday mo ikaw na lang sis.

“Yes sis happy si Caloy, which makes y’all haters shake and your blood boil lmao.

“Eh yung mga relatives niya kaya naisip mo ba if pinapansin/pinansin and binati man lang nila si Caloy? The double standard.”

– Chloe San Jose, girlfriend ni Carlos Yulo habang sinasagot ang mga comment tungkol sa hindi pag-iimbita sa pamil­ya sa birthday celebration ni Caloy