BUBOT na BAYABAS (73) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

September 28, 2025 | 12:00am

“GUSTO kong makita ang lugar na kinakitaan mo sa tsinelas—pati ang punong bayabas na inakyatan ng dalagita,’’ sabi ni Guava sa seryosong tinig.

“Ngayon na?”

“Oo.”

“Paano ang pagpasok mo sa opisina?”

“Naka-leave ako ngayon hanggang bukas.”

“E sige. Tayo na.”

“Pasensiya ka na Apol.”

“Okey lang ‘yun.”

“Hindi ako matatahimik hangga’t hindi nakikita ang lugar na may kaugnayan sa tsinelas at sa dalagita.”

“Nauunawaan kita, Guava. Halika na para makarating agad tayo sa bahay ko.”

Nag-grab sila.

Wala pang 30 minuto ay nasa bahay na sila ni Apol.

Nang pumasok sila sa bakuran ng bahay ay walang kakurap-kurap si Guava. Pinagmamasdan ang lugar.

“Iyan ang punong bayabas na inakyatan ng dalagita.”

“Maraming bunga!”

“Dun naman sa damuhang yun ko nakita ang tsinelas. Nilagyan ko ng tanda ang bahagi para madaling makita.”

“Parang pamilyar sa akin ito?”

Itutuloy