September 28, 2025 | 12:00am
NILOKO ang taumbayan sa proyektong solar street light sa kahabaan ng Batac City-Paoay road sa Ilocos Norte.
Mahigit ?232,779 kada ilaw ang ginastos para sa street light. Mahigit ?31 milyon para sa 131 solar lights.
Malinaw pa sa sikat ng araw ang pagka-sobrang overpriced nito.
Ang contractor? St. Gerrard Construction ni Pacifico Discaya II. Gaya ng nangyaring mga project award sa St. Gerrard Construction, na noon pang 2020 black-listed, umaalingasaw ng korapsyon ang proyekto. Harap-harapang panloloko sa mamamayan!
Ayon sa industry standards, ang tunay na presyo ng solar street lights ay ?85,000–?120,000 lang. Ibig sabihin, ?14.7 milyon ang posibleng nawaldas na pera ng taumbayan.
Hinihiling ng mga taga-Paoay ang agarang pagpapaliwanag sa breakdown ng gastos, klase ng LED, solar panel, baterya o civil works ang ginamit.
Kung walang itinago sa kontrata, walang dapat ilihim. Hinihintay din ang resulta ng pag-uusisa ng Commission on Audit matapos maiulat na natapos na ang proyekto.
Agad din sanang suspendihin upang maimbestigahan ang DPWH District Engineer at mga tauhan nito.
Kinurakot ng mga tiwaling opisyal, kawani ng gobyerno at kasabwat na kontratista ang kaban ng bayan, habang ang mga taga-Paoay ay walang maayos na ilaw sa kalsada at nagtitiis sa dilim.
Panagutin ang mga nasa likod ng maanomalyang proyekto sa Paoay at iba pang mga bayan sa Ilocos Norte.
* * *
Para sa komento, i-send sa: [email protected]