October 5, 2025 | 12:00am
Ahh nag-date rin pala sina Jake Cuenca and Kaila Estrada, kuwento ng isang reliable source.
‘Yun nga lang, naudlot diumano dahil biglang naging sina Jake and Chie Filomeno na split na rin naman ngayon habang si Kaila ay sinasabing sila na ni Daniel Padilla.
Sandali lang naman diumanong nag-date sina Jake at Kaila pero nanghihinayang daw ang ibang friends ni Jake.
At ang totoo raw, hindi naman gaanong favor ang parents ni Jake kay Chie noon ayon pa sa reliable source.
Anyway, sa ngayon ay walang kahit anong komento ang aktor sa nangyari sa kanila ni Chie Filomeno na karelasyon na diumano ngayon ng negosyanteng si Matthew Lhuillier.
