Regine, tumapang sa korapsyon | Pilipino Star Ngayon


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

October 5, 2025 | 12:00am

Patapang nang patapang ang mga post ni Regine Velasquez.

At naiinip na rin siya sa resulta ng imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects na umabot daw hanggang sa ibang government agencies.

Na kinansela pa ang pagdinig ng Senate blue ribbon committee na itinakda sa Wednesday sana.

Anyway, sa huling post ni Regine ay pinatutsadahan niya na baka pati ang hangin, i-tax na rin.

Ito ay matapos siyang magkomento na itulong sana ang mga ninakaw sa Cebu.

“Lahat ng ninakaw itulong nyo sa Cebu!!!!!,” una niyang post sa X.

Sinundan niya ito ng: “In the meantime we continue to pay taxes. Taxes na pinagpaguran natin lahat may tax baka isang araw magising tayo na ultimo hangin may tax na.”

Dagdag pa niyang tweet: “May nakasuhan na ba?”

Nauna na ring nag-post si Regine ng isang AI (Artificial Intelligence) video ng maunlad na bansa kung walang corruption.

“Kung hindi ninanakaw pera natin KAYA to eh!!!!!The thing is hindi sila marunong mahiya kahit sabihan silang magnanakaw makapal ang mukha at isinusuka na natin sila waley pa rin, mag tuturo lang sila ng iba pang magnanakaw hangang maubos na lang nila yung ninakaw nila tapos nakaw uli. In the meantime we continue to pay taxes na pinagpaguran natin. Ano pa pwede nila lagyan ng tax ano pa!!!!!Baka paggising natin isang araw pati hangin may tax na!!!!!! Ano ba gagawin natin bakit parang I feel helpless naghihintay tayo na may maparusahan na most likely wala. Anong ba gagawin natin para maituwind ang baluktot na pamamalakad na ito?? At kahit iba ang ilagay natin dyan I don’t think it will change!!! I’m 55 konting panahon na lang ang ilalagi namin sa mundo sana manlang maabutan namin ang isang maluwaltahing pamumuhay para sa mga pilipino.”

Nag-repost din siya ng warning sa Sierra Madre na matagal-tagal na ring nasa critical situation.

Ayon sa mga naunang report, nahaharap sa medium-to-high risk ng water stress ang Sierra Madre.