Klea, inaming pwedeng ma-in love kay Janella


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

October 5, 2025 | 12:00am

Inabsuwelto ni Klea Pineda si Janella Salvador.

Consistent na nali-link at itinuturo pang rason diumano ng hiwalayan nina Klea at ex niyang si Katrice Kierulf ang actress na ‘what you see is what you get’ ang naunang sagot.

Pero nang tanungin si Klea ni Kuya Boy Abunda, sinabi nito na nadamay lang ang kasama niya sa pelikulang Open En­dings na kasalukuyan nang palabas sa Cine­malaya Philippine Independent Filmfest.

“I think nadamay lang naman ‘yung pangalan ni Janella kasi nga magkasama kami sa film,” pagtatanggol niya kay Janella.

Dagdag pa niya: “Maraming rason kung bakit kami naghiwalay ni Katrice pero labas si Janella do’n. Walang third party.”

Hanggang sa tanungin siya kung pwede ba siyang ma-in love kay Janella?

“Why not? Walang reason na hindi magugustuhan si Janella.”

Three months na rin pala since pumutok ang isyung split na sila ng ex dahil sa third party.

Naka-move on na raw si Klea at araw-araw ay bumubuti ang kanyang kalagayan.

Gayunman, inamin ni Klea na hindi linear ang proseso ng kanyang pagbawi.

“We’ll get there. Sa ngayon, masyado pa kasi sigurong fresh.

“Sa ngayon, siguro wala pang reason para mag-connect kami ulit and nirerespeto ko rin ‘yung hea­ling process niya,”  sabi pa niya sa interview ni Kuya Boy.

Nauna nang sinabi ni Janella na wala siyang kailangang ipa­liwanag tungkol sa kanila ni Klea. “Honestly, at this point I don’t think we owe anyone naman an explanation about personal things. Kumbaga, so you feel free to think what you think. Feel free to interpret what you feel like interpreting. Kung anuman ‘yung nakikita ninyo… alam n’yo naman ako, lagi ako nagpapakatotoo, real lang ako palagi, so if I feel like sharing anything in the future, I pro­mise you, kung ano ang makikita ninyo,” pahayag niya sa Spotlight presscon recently.