Mika, mga bata ang tinutulungan


SHOWBIZ NEWS NOW NA! — Boy Abunda — Pilipino Star Ngayon

October 5, 2025 | 12:00am

Kamakailan ay isang storytelling acti­vity ang ginawa ni Mika Salamanca para sa libro niyang Lipad. Masayang binasahan ng dalaga ang mga batang mayroong cancer. Bahagi ito ng fundraising na ginawa ni Mika upang makatulong sa pagpapagamot ng mga bata.

“Lagi akong nare-remind kung para saan ko ginagawa lahat ng ito tuwing nagbabasa ako para sa mga bata. Ito yata ang pinakamaraming bata na nabasahan ko sa isang araw, at sobrang saya ko dahil naging magandang simula ito ng birthday month ko,” nakangiting bungad ni Mika.

Ayon sa aktres ay sinikap niyang makapagsulat ng libro para talaga sa mga batang mambabasa. Magsisilbing inspirasyon ang istorya ng Lipad sa sino mang makababasa nito.

“Ginawa ko ang Lipad para sa mga bata. Ang advocacy ko talaga ay para sila’y magkaroon ng inspirasyon at matutong mangarap. At kapag nakikita ko ang reaksyon nila, parang fuel siya. Mas nai-inspire ako gumawa ng mas maraming libro para sa kanila,” pagbabahagi ng dalaga.

Mahalaga para kay Mika na magkaroon ng mga panagarap ang isang tao. Sa ngayon ay pambatang libro muna ang gustong pagtuunan ng panahon ng dalaga.

“For now, mas gusto ko talagang mag-focus sa mga bata. Advocacy ko sila at gusto kong gawing meaningful ang mga libro ko, hindi lang para sa entertainment kundi para magkaroon ng awareness tungkol sa mga social issues na kinakaharap nila. At least once a month, dapat meron tayong araw na hindi para sa atin kundi para sa tinutulungan natin. Para talagang matuto silang mangarap at maniwala na kaya nilang lumipad,” makahulugang paliwanag ng aktres.

Mark, na-miss ang acting

Matagal-tagal na nagpahinga si Mark Neumann sa show business. Taong 2017 pa nang huling mapanood ang aktor sa seryeng La Luna Sangre na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ngayon ay hinahanap-hanap na umano ni Mark ang pag-arte kaya nagbalik na sa harap ng kamera.

“I missed acting, I miss portraying characters. It has been so long,” pagtatapat ni Mark.

Habang hindi aktibo sa pagiging aktor ay iba-ibang trabaho ang nasubukang gawin ni Mark. Kinailangan umanong magsikap ng aktor dahil na rin sa kanyang anak.

“I wanted to step off for a bit, spend time with my son. I did a wide variety of work. I was a sales agent, at the same time a father. I was chief ops manager for a restaurant café from menu building, recipe, cooking, placing positions, reports, purchasing. Anything under the sun,” pagdedetalye niya.

Muling mapapanood ngayon si Mark sa telebisyon. Ang pagkakaroon ng Eddie Garcia Law umano ang isa sa mga dahilan ni Mark kaya nagbalik sa pagiging isang aktor.

“Before putok araw (natatapos ang trabaho), you start 5:00 a.m., you finish next day at 5:00 a.m. Then (now) we finished at 11:00 p.m., not because of anything else but dahil sa Eddie Garcia Law. It is a much better setup. I’m very happy,” paglalahad ng aktor. — Reports from JCC