October 8, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Diniskaril ng Emilio Aguinaldo College ang hangad na back-to-back wins ng Jose Rizal University matapos itakas ang 68-65 panalo sa NCAA Season 101 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
Pumukol si Nico Quinal ng walo sa kanyang 10 points sa fourth quarter para sa 1-1 record ng Generals sa Group B kapareho ng baraha ng Heavy Bombers.
Ang mga three-point shots nina Wilmar Oftana at Quinal ang nagbigay sa EAC ng 54-43 abante sa fourth period.
Nagsalpak si Shawn Argente ng magkadikit na triples para itabla ang JRU sa 65-65.
Ang tres ni Quinal ang muling naglayo sa Generals sa 68-65.
Bumira si Argente ng 27 points sa panig ng Heavy Bombers.
Sa unang laro, pinataob ng Arellano University ang San Sebastian College-Recoletos, 82-66, sa Group A.