October 9, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Nais ng Adamson University na sandalan ang kanilang momentum pagharap sa Arellano University sa 2025 Shakey’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup sa Rizal Memorial Coliseum.
Tangan ang 1-0 karta, nasa pangalawang puwesto ng team standings sa Pool B ang Lady Falcons sa ilalim ng Far Eastern University (2-0).
Magkikita ang Adamson at Arellano ngayong alas-10 ng umaga sa event na suportado ng Asics, Mikasa, Smart Sports, Summit, Team Rebel Sports, Belo Deo, Eurotel-Apo View Hotel, Batangas Country Club, Executive Optical, Baic Auto Philippines, SM Tickets at PusoP.com bilang technical partners.
Dinagit ng Lady Falcons ang Jose Rizal Lady Bo,bers, 25-17, 25-18, 25-16, noong Linggo sa torneo katuwang ang Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.
Sakaling manalo ang Adamson ay madadagit nila ang tiket sa susunod na round, habang may 1-1 baraha ang Arellano.