Pilipino Star Ngayon
October 11, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Babanderahan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang tatlo pang local pairs sa paghataw sa Volleyball World 2025 Beach Pro Tour Challenge sa Oktubre 15 hanggang 19 sa Nuvali Sands Court by the Ayala Land sa City of Santa Rosa sa Laguna.
Makakasama ng Rondina-Pons tandem sa event na inorganisa ng FIVB sa pamamagitan ng Volleyball World sina Jenny Gaviola at Alexa Polidario, Sunny Villapando at Dij Rodriguez at Kly Orillaneda at Gen Eslapor.
Kabilang sila sa kabuuang 111 pairs sa torneong pinamamahalaan ng Philippine National Volleyball Federation l(PNVF) sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara na galing sa matagumpay na hosting ng 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship noong Setyembre.
“After the world championship hosting, here we are again at the Beach Volley Pro Tour,” ani Suzara.
