Sheree, naiyak sa kasal nina Gian at Lara


RATED A — Aster Amoyo — Pilipino Star Ngayon

October 14, 2025 | 12:00am

Maganda ang relasyon ng dating miyembro ng Viva Hot Babes na si Sheree Bautista sa kanyang ex-partner at ama ng kanyang 17-year-old son na si Gian Haley Bautista Magdangal, ang theater and television actor na si Gian Magdangal. Kahit matagal na silang hiwalay napanatili ng dalawa ang kanilang pagiging magkakaibigan dahil sa kanilang anak.  Ang maganda pa, pati ang present wife ni Gian, ang singer-songwriter at performer na si Lara Maigue ay close rin sa kanya (Sheree) at anak nila.

Kaya naman, she was invited sa recent wedding nina Gian at Lara na ginanap last Wednesday, October 8, 2025 sa Sacred Heart of Jesus Pa­rish, Alabang Hills, Muntinlupa City.  Habang si Haley ay part of the wedding entourage.

During the wedding ceremony ay hindi naiwasan ni Sheree ang maging emotional dahil masaya siya for her ex-partner at sa misis na nito   who is currently four months pregnant sa kanilang magiging first baby.

Sa ngayon ay patuloy pa ring umaasa ang dating miyembro ng Viva Hot Babes na sana’y makatagpo rin siya ng kanyang future partner na maghahatid sa kanya sa  simbahan at bubuo ng kanyang pinapangarap na pamilya.

MMFF, binalik sa dati 8 ang entries

Balik sa walong entries ang 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) this year kumpara sa sampung kalahok nung nakaraang taon.

This early ay marami na ang nagsasabi na ang pelikulang Call Me Mother nina Vice Gance at Nadine Lustre ang mangunguna sa takilya. Ito’y joint production ng The IdeaFirst Company, Star Cinema, at Viva Films.

Inaasahang may hatak din sa takilya ay ang horror trilogy movie franchise na Shake, Rattle & Roll:  Evil Origins na binubuo ng star-studded cast.

Malamang din na mahakatak nang husto sa takilya ang Love You So Bad, ang romance movie ng ex-PBB: Celebrity Collab Edition housemates na sina Will Ashley, Bianca de Vera, at Dustin Yu.

Of course, magaganda rin ang lima pang official entries ng MMFF tulad ng “Manila’s Finest”, ang crime-thriller movie na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Enrique Gil.

Nariyan din ang UnMarry ng Quantum Films and Cineko Productions na pinamahalaan ng nagbabalik na si Jeffrey Jeturian  na pinagbibidahan ng nagbabalik-pelikula na si Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

Isang tear-jerking movie naman ang I’m Perfect ng Nathan Studios na dinirek ng Kita-Kita na tinatampukan ng with Down Syndrome actors na sina Krystel Go at Earl Amaba.

Sequel naman ng 2017 movie ang Barboys: After School na tinatampukan nina Carlo Aquio, Kean Cipriano, Enzo Pineda, Rocco Nacino, at Will Ashley na pinamahalaan ni Kip Oebanda.

Hindi naman magpapahuli ang family-drama movie na Rekonek na tinatampukan nina Gerald Anderson, Bela Padilla, Andrea Brillantes, Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, Alexa Miro, Gloria Diaz, at Kokoy de Santos.

Balansyado ang walong MMFF entries na may temang romance, drama, comedy, horror kaya may choices ang mga manonood.

Umaasa naman ang MMDA at MMFF chairman na si Atty. Don Artes na malalagpasan this year ang kinita nung isang taon .