James, napikon sa pag-ungkat sa nakaraan nila ni Nadine!


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

October 16, 2025 | 12:00am

Nag-off ng comment box

Nag-trending kahapon si James Reid dahil sa ungkatan ng nakaraan.

Nagkaroon nga siya ng oras na sagutin ang netizens matapos siyang tambakan ng old photos nila ng ex-girlfriend na si Nadine Lustre.

Nag-share si James ng video ng kanyang sarili na tumutugtog ng gitara habang kinakanta ang Yamaha ni Dijon. Pero ibinalik ng followers niya ang memories nila ng ex.

Kaya ‘di siya nakatiis “So many bitter people that [can’t] stand to see me this happy. I hope all of you here find love like I did that inspires you and gives you a reason to be your best self. Love is the answer.”

Kanya-kanyang haka-haka at opinyon naman ang ibang netizens na baka nga nagselos ang karelas­yon kaya ito tumalak pero sumagot ulit si James:  “Not at all. You’re the ones who are jealous sending those pics. Think about it.”

Sinagot din ni James ang komento ng netizens na “nakakatulog pa kaya gf nito ng maayos pagkakita sa comments?”

Sagot kaagad si James ng “Yes she sleeps right next to me.”

“But real friends don’t do that,” comment ulit ng isang follower.

May sagot ulit si James ng “so you must be the type of person who believes taking a photo next to someone makes them real. That’s sad.”

Kahapon ay naka-off na ang comment box ng nasabing TikTok video ni James kaya naman sa ibang video nagdagsaan ang mga nang-uurot na netizens.

Ungkatan kasi talaga ng past – ng old photos nila ni Nadine ang comment box niya lalo na sa video nila ni Issa Pressman.