VP Sara, kinuyog sa World Pandesal


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

October 17, 2025 | 12:00am

Idinaos kahapon, Oktubre 16, ang taunang pagdiriwang ng World Pandesal Day sa 86-year-old Kamuning Bakery Cafe sa Barangay Kamuning, Quezon City.

Ipinagdiriwang ng tradisyong ito ang paboritong tinapay ng bansa habang binibigyang-diin ang agarang pangangailangan na tugunan ang problema ng kagutuman, na angkop at umaayon sa World Food Day ng United Nations.

Ang nasabing event ay nagbigay ng 100,000 piraso ng libreng mainit, malambot na pandesal at iba pang pagkain tulad ng keso, ham, juice, kape, atbp. nang libre.

Recipients included public school teachers and students, orpha­nages, etc. na nagpapatuloy sa pamana nito ng diwa ng komunidad at pagbibigay ng kawanggawa, pangunahin para sa mga pamil­yang maralita sa lungsod. Kasama sa mga tumang­gap ang mga guro at estudyante ng pampublikong paaralan, mga ampunan, atbp.

Naging special guest sa nasabing civic at cultural event this year si Vice President Sara Duterte na kinuyog ng mga pumila upang makalibre ng pandesal.

Ang Kamuning Bakery Cafe ay may tradisyon ng pagho-host ng mga kilalang lider ng bansa; sa pagdiriwang noong nakaraang taon sina Senators Imee Marcos at Ping Lacson, kasama rin sa mga naging bisita na nila sina Pangulong Bongbong Marcos, da­ting bise presidente Leni Robredo, at Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ibinahagi ng may-ari ng Kamuning Bakery Cafe na si Wilson Lee Flores na isa sa kanyang inspirasyon para sa World Pandesal Day ay ang Biblical story ng pagpaparami ni Hesus sa donasyon ng isang batang lalaki ng limang tinapay at dalawang isda para pakainin ang libu-libo.

Dagdag ni Wilson Lee Flores na bilang bahagi ng pangako ng Kamuning Bakery Cafe na mag-donate ng isang pampublikong paaralan sa kanayunan taun-taon, magdo-donate sila sa Davao na kamakailan ay tinamaan ng lindol at hihilingin daw nila sa tanggapan ni Vice-President Sara Duterte na magrekomenda kung aling lugar ang puwedeng pagkalooban ng bagong classroom.

At bahagi rin ng ng pagdiriwang, ang Kamuning Bakery Cafe ay magkakaroon din ng medical and dental mission sa Linggo, Oktubre 26, mula 8 a.m. hanggang 12 noon, sa pakikipagtulungan ng Chinese General Hospital at Medical Center.