October 20, 2025 | 12:00am
Proud na tinatanggap ng Rein Entertainment si Andrea Brillantes bilang lead star ng paparating nilang pelikula.
Yup, pumirma na siya ng kontrata sa Rein Entertainment.
Pero bukod sa Rein, inaasahang pipirma rin siya ng kontrata sa GMA 7.
Kilala sa kanyang mga standout performances sa Kadenang Ginto at Senior High si Andrea.
Kaya naman inaasahang malaking project ang nakahanda para kay Andrea.
“Andrea brings both strength and sincerity to every role. We’re thrilled to have her lead this new film and look forward to exploring more opportunities to work together, including future series collaborations.”
Ang Rein Entertainment ay nananatiling nakatuon sa paglikha ng matapang at emosyonal na mga kwento upang ipakita ang talentong Pilipino na tulad ni Andrea na matapang bilang Gen Z artist at entrepreneur.
Masasabing parehong walang takot ang Rein at si Andrea sa pagkukuwento at pagpapahayag ng sarili, na ginagawang natural at kapana-panabik ang inaasahan nilang collab.
At ang drama-thriller directed by Sigrid Andrea P. Bernardo na pagbibidahan ni Andrea— will be shot entirely in Cebu.
More details about the upcoming film and future collaborations with Andrea Brillantes will be announced soon.
