Win no. 16 ikokonekta ng PLDT vs Cignal


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

October 21, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Kokonekta ang PLDT sa ika-16 sunod na pana­lo kontra sa sister team Cig­nal para masolo ang li­derato sa Group A ng 2025 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe­rence.

Magkikita ang High Speed Hitters at Super Spi­­kers ngayong alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tabla sa itaas ng Group A ang PLDT at Farm Fresh sa magkapareho nilang 2-0 baraha sa itaas ng Capital1 (1-1), Choco Mucho (1-1), Nxled (0-2) at Cignal (0-2).

Sosyo rin sa liderato sa Pool B ang ZUS Coffee at Aka­ri na may magkatulad na 2-0 kartada kasunod ang nagdedepensang Cream­line (2-1), Petro Gazz (2-1), Chery Tiggo (0-3) at Galeries Tower (0-3).

Iniligpit ng High Speed Hitters ang Solar Spikers, 25-22, 25-20, 25-23, at ang Flying Titans, 25-21, 25-20, 25-19.

Talo naman ang Super Spikers sa Flying Titans, 25-23, 19-25, 16-25, 25-27, at sa Foxies, 19-25, 20-25, 16-25.

“It’s a new conference, each team is reinforced, so it’s really gonna be a diffe­rent level. So we just focus one game at a time,” ani out­side hitter Kim Kianna Dy sa PLDT na nasa isang 15-game winning streak ma­tapos magreyna sa na karaang PVL on Tour at Invitational Conference.

Muling makakatuwang ni Dy sina Russian import Anastasiia Bavykina, Fil-Ca­nadian Savi Davison, Mi­ka Reyes, Majoy Baron, Kim Fajardo at Kath Arado.

Itatapat ng Cignal sina Greek reinforcement Eva Chantava, Vanie Gandler, Eri­ka Santos, Heather Guino-o, Erin Pangilinan at Gel Cayuna.

Sa unang laro sa ala-1:30 ng hapon ay hahara­pin ng Farm Fresh ang Ca­pital1 kasunod ang upakan ng Choco Mucho at Nxled sa alas-4 ng hapon.

Magkasunod na tinalo ng Foxies ang Chameleons, 22-25, 25-23, 25-19, 25-21, at ang Super Spi­kers, 25-19, 25-20, 25-16.

Umiskor naman ang So­lar Spikers ng 25-20, 23-25, 27-25, 25-12 panalo sa Chameleons tampok ang conference-high 39 points ni Ukranian import Sasha Bytsenko.

“We played like a team – with energy,” sabi ni Bytsenko na muling makaka­tu­wang sina No. 1 overall pick Bela Belen, Leila Cruz, Trisha Genesis at Iris Tolenada.