Ika-4 dikit pakay ng Letran sa Mapua


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

October 21, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Tutusukin ng Colegio de San Juan de Letran ang ikaapat na sunod na pa­nalo sa pagharap sa nag­dedepensang Mapua University.

Magtutuos ang Knights at Cardinals nga­yong alas-11 ng umaga kasunod ang salpukan ng Jose Rizal Hea­vy Bombers at Lyceum Pirates sa alas-2:30 ng ha­pon sa crossover elimina­tions ng NCAA Season 101 men’s basketball tournament sa FilOil Centre sa San Juan City.

Nangungunra ang University of Perpetual Help System DALTA sa Group A hawak ang 5-1 kartada ka­sunod ang Mapua (3-2), Arellano (3-3), San Sebastian (1-5) at Lyceum (0-5).

Solo ng San Beda ang li­derato ng Group B tangan ang 4-1 baraha sa itaas ng Season 100 runner-up St. Benilde (3-2), Letran (3-3), Jose Rizal (3-3) at Emilio Aguinaldo College (3-3).

Matapos ang 0-3 pani­mula ay tatlong sunod na pa­­nalo ang tinuhog ng Kights laban sa Generals, Altas at Pirates.

Nagmula naman ang Car­dinals sa 70-79 kabigu­an sa Red Lions.

Si rookie guard Titing Ma­nalili ang muling baban­dera sa Letran kontra sa Mapua.