Takahashi tiwalang aangat ang Alas Pilipinas


Chris Co — Pilipino Star Ngayon

September 19, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Bilib si outside hitter Ran Takahashi ng Japan sa husay at galing ng Alas Pilipinas na sinabi nitong malayo ang mararating sa mga darating na taon.

Napanood ng Japanese star kung paano ta-lunin ng Alas Pilipinas ang African champion Egypt sa group stage ng FIVB Men’s Volleyball World Championships na ginaganap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Saludo si Takahashi sa magandang ipinamalas ng Alas laban sa African champion partikular na sa mga fast plays nito.

“I watched the game of Philippines against Egypt. Philippine volleyball is so coordinated and ability plays. They, for sure, will grow a lot and will be stronger,” ani Takahashi.

Alam ni Takahashi na mahirap kalaban ang mga western teams na mas matatangkad kumpara sa mga Asian teams gaya ng Japan at Pilipinas.

Ngunit armas ng mga Asian players ang kaka­ibang teknik at utak sa pag­lalaro na pangunahing dahilan para makasabay ito sa mas malalaking kalaban.

Lilisanin ni Takahashi at ng team Japan ang Pilipinas baon ang masasayang ala-ala nito dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy fans.

Kasama pa rito ang panalo ng Japan sa kanilang huling laro kontra sa Libya upang hindi umuwing luhaan bitbit ang 1-2 rekord.